Pinapayagan na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na mangampanya, gamit ang text messages para sa May 13 National and Local Elections.
Ito ang nilinaw Comelec spokesperson James Jimenez matapos na makatanggap ng impormasyon na puntirya ng mga kandidato ang mga mobile user sa pangangampanya.
“Walang pagbabawal sa paggamit ng mobile number/short message service (SMS) sa pangangampanya,” ani Jimenez, sa kanyang social media account.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na maari naman itong i-report ng mga mobile users sa National Telecommunications Commission (NTC) dahil maaaring pasok ito sa ilalim ng anti-spamming regulations.
Nauna rito, isang netizen ang nagpaabot kay Jimenez na direktang tinatarget ng mga kandidato ang mga mobile users.
"Walang pagbabawal sa paggamit ng mobile number/SMS sa pangangampanya," tugon ni Jimenez.
-Mary Ann Santiago