Isang 13-anyos na lalaki ang inaresto nitong Linggo sa drug buy-bust operation sa Cavite City.

PUSHER

Dinakma ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Cavite City Police ang binatilyo makaraan niya umanong iabot sa poseur buyer ang maliit na sachet na may hinihinalang shabu, kapalit ng P200 cash.

Ang suspek ang pinakabatang naaresto sa lalawigan makaraan umanong maaktuhan na may hawak na shabu, makaraang isumbong ng isang informant ang ilegal na aktibidad ng paslit.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Sinabi ng Cavite City Police na kakasuhan ang bata ng paglabag sa Article Article II Section V ng Comprehensive Dangerous Drugs Act sa City Prosecutor's Office.

Inilipat naman kaagad ang bata sa kustodiya ng Cavite City Department of Social Welfare and Development (DSWD).

-Anthony Giron