Nagsisisi ngayon ang isang lalaki nang ipaaresto ito ng kanyang misis, kasama ang umano’y kalaguyo nito matapos silang maaktuhang nagtatalik sa loob ng kanilang bahay sa Hagonoy, Bulacan, kamakailan.

KABIT download (17)

Ang dalawa ay kinilala ng Hagonoy Municipal Police na sina Christian Agustin Aquino, 32, at Jennyrose Guinto Pito, 24, kapwa taga-Barangay San Jose, ng nasabing bayan,

Sa reklamo nito sa pulisya, ipinaliwanag ni Jennifer (hindi tunay na pangalan), nagulat lamang ito nang madatnan niya sa kanilang bahay ang dalawa na gumagawa umano ng kahalayan, kaya’t ipinadakip nito ang mga ito.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawa habang inihahanda ang kasong adultery laban sa mga ito.

-Freddie C. Velez