Dora the Explorer is ready for a whole new adventure!
Ipinakilala nina Isabela Moner, Eugenio Derbez at Michael Peña ang first trailer ng Dora and the Lost City of Gold sa 2019 Kids' Choice Awards nitong Sabado. Umakyat ng entablado ang trio para ipakilala sa madla ang bagong live-action version ng Dora, na tungkol siyempre sa sinasabing pinakadelikado niyang adventure.
Idinirihe ni James Bobin, susundan sa Lost City of Gold ang high school na si Dora (Moner), na ilang taong nagsuri at naglakbay sa kaghubatan kasama ang kanyang mga magulang. Always the explorer, kasama niyang lakbay sina Boots – ang kanyang best friend na isang unggoy -- Diego (Jeffrey Wahlberg), ang misteryosong jungle inhabitant (Derbez), at ang rag-tag group of teens para isalba ang kanyang mga magulang (Eva Longoria and Peña) hanggang sa malutas nila ang impossible mystery sa likod ng nawawalang lungsod ng ginto.
"You're going to watch a different Dora. It's not the same Dora that you have been watching in the cartoons," sabi ni Eugenio sa Entertainment Tonight. "Now she is a teenager, she is beautiful, she is smart, she is powerful. She is the best example for women empowerment. This is a movie that has a lot of heart, action, adventure, but a lot of heart and humor, so you're going to laugh a lot."
Samantala, inihayag naman ng leading lady sa ET ang pelikula ay magiging sobrang "so iconic for the Latin community."
"My mom is from Peru, I am Peruvian, and the movie takes place in Peru. If you don't know about Peru, it’s a beautiful place and it doesn't get enough representation," paliwanag ni Isabela. "It's going to be crazy."
Ipalalabas sa mga sinehan ang Dora and the Lost City of Gold sa Aug. 2.