“SAY no to workplace bullying.”
Ito ang kamakailang ibinahagi ng aktor na si BB Gandanghari sa Instagram, kasama ang litrato ng kamay niya suot ang isang hospital identification bracelet.
Ang lokasyon na nakalagay ay “Urgent Care.”
“What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me?” post niya pero hindi na niya ipinaliwanag pa ang sinasabing isyu.
Ayon kay BB, ang kanyang katawan ay “a wreck”. Pinayuhan daw siya ng mga doktor na magpahinga muna habang dumaranas at nakikipaglaban sa malubhang emotional distress at malalang anxiety attack na sanhi ng pagtaas ng presyon ng kanyang dugo.
“So help me God,” pagtatapos niya sa post, kasama ang hashtag na “#SayNoToBullying,” “#NoToDiscrimination,” “#NotoRacism,” at “#NotoHypocrisy.”
Sa official site ng Human Rights Campaign, nakasaad dito, ang Equality Act “would provide consistent and explicit non-discrimination protections for LGBTQ people across key areas of life, including employment, housing, credit, education, public spaces and services, federally funded programs, and jury service.”
Naging legal na babae na si BB matapos niyang magsampa ng petisyon para baguhin ang kanyang pangalan at kasarian sa Superior Court of California noong 2016.
Una rito, ilang taon na siyang naninirahan sa US at nag-aral din siya ng filmmaking sa University of California, Los Angeles noong 2010.
Noong 2004, nagladlad ng kanyang tunay na kasarian si BB nang aminin niya sa aktres na si Keanna Reeves na siya ay bading, habang nasa loob ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition, bilang mga celebrity housemates.
Noong 2009, umamin si BB na siya ay isa nang transgender woman. Gayunman, hindi niya isinapubliko kung sumailalim ba siya sa sex-change operation.
-STEPHANIE BERNARDINO