PAUWI na sa bansa si Korina Sanchez kasama ang kambal nila ni Mar Roxas, dahil sa isang post ng broadcaster, nabanggit niyang ikinukuha na niya ng passports ang kambal. Kaya any day now, darating na sa bansa sina Pepe at Pilar.

Korina, Pepe at Pilar copy

Pinabinyagan na ni Korina sina Pepe at Pilar, dahil naniniwala yata siya sa kasabihang bawal ibiyahe ang mga sanggol ng hindi pa nabibinyagan. Nasulat ang binyag ng kambal, pero wala pang nakapagsulat sa full name ng kambal, at puro Pepe at Pilar ang nababanggit.

Nag-research kami at nalaman ang full name ng twins. Ang pangalan ni Pepe ay kumbinasyon ng pangalan ng fathers nina Mar at Korina: Pepe Ramon Gerardo. Ang Ramon ay pangalan ng dad ni Korina, at ang Gerardo ay pangalan ng dad ni Mar.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang full name naman ni Pilar ay pinagsama ang pangalan ng mothers nina Mar at Korina: Pilar Judith Celia. Ang Judith ay pangalan ng mom ni Mar at ang Celia ay pangalan ng mom ni Korina.

Excited na ang mga kaibigan nina Mar at Korina na makita ang kambal na sa Amerika isinilang, kaya American citizen sila.

-Nitz Miralles