Dahil sa hindi pagsusuot ng helmet, bistado sa baril at droga ang isang pulis at kasama nito sa checkpoint sa Las Piñas City, ngayong Huwebes.

(kuha ni Kriz John Rosales)

(kuha ni Kriz John Rosales)

Kinilala ni Senior Supt. Simar Gran, hepe ng Las Piñas City Police, ang inaresto na sina PO2 Alejandro Hernandez y Gacayan, 36, nakatalaga sa Regional Personnel Holding Accounting Unit-National Capital Region Police Office (RPHAU-NCRPO), ng 2359 F. Munoz Singalong, Malate, Maynila; at Rey Cerbito y Bingcal, 40, ng 21 Teresa Compound, Pilar Village, Barangay Pilar, Las Piñas City.

Sa ulat, nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7, sa pangunguna ni Insp. Edgardo Orongan, nang sitahin ang mga suspek sa Alabang-Zapote Road, Bgy. Almanza 1 sa nasabing lungsod, dakong 4:00 ng madaling araw.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Magkaangkas sina PO2 Hernandez at Cerbito sa motorsiklo at kapwa walang suot na helmet nang sitahin nina PO1s Rocky Lovendencio, John Ernest Eballa, at Mark Henry Reyes.

Nasamsam kay PO2 Hernandez ang dalawang pakete ng umano’y shabu, isang timbangan at isang improvised tooter habang narekober naman kay Cerbito ang isang patalim at isang pakete ng umano’y shabu.

Nabatid na si PO2 Hernandez ay dating nakalataga sa Manila Police District at nasangkot sa droga kaya iniwan umano ng kanyang misis na isa ring pulis.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

-Bella Gamotea