Kritikal ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng mister sa loob ng pinaglilingkuran nitong establisyemento sa Pasay City, nitong Martes.

KALAGUYO_ONLINE

Nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital si Zosimo Avanceña y Yee, 37, ng No. 170 Lotus Street, Vulcan Compound, Punta Sta. Ana, Maynila, na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Agad namang naaresto ng mga tauhan ng Police Community precinct (PCP) 11 si Marlon RiÑon y David, 39, ng No. 198 Apartment D. Sarreal Avenue, Bayang Luma 2, Imus, Cavite.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ni Senior Supt. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, naganap ang pananaksak sa pinapasukang trabaho ng biktima sa Macapagal Boulevard sa nasabing lungsod, dakong 6:10 ng gabi.

Sa imbestigasyon, habang nagtatrabaho ang biktima ay galit na pumasok sa establisyemento ang suspek at pinagsasaksak si Avancena.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek, subalit nakorner ng rumespondeng mga pulis.

Sa pagsisiyasat, kalaguyo umano ang biktima ng live-in partner ng suspek.

Inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek.

-Bella Gamotea