Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ng mga miyembro umano ng liquidation squad ng New People’s Army sa Pilar, Sorsogon, ngayong Lunes ng umaga.

COP download (2)

Kinilala ni Chief Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5), ang biktima na si SPO3 Juje Razo, 52, nakatalaga sa Pilar Municipal Police Station (MPS) at taga-Barangay Binanuahan ng nabanggit na bayan.

Agad namang tumakas ang tatlong suspek matapos ang krimen na naganap sa national highway ng Bgy. Marifosque, dakong 7:30 ng umaga.

Kakulangan ng classroom sa bansa, posibleng pumalo ng 51,000 sa 2028

Sa ulat, papasok na sana sa trabaho ang biktima,sakay ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang nasabing kalsada nang pagbabarilin ng tatlong umano’y kaanib ng special partisan unit (SPARU) ng NPA.

Dead on the spot si Razo dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Under investigation pa rin ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng mga ito.

-Nino N. Luces