Napatay ang apat na umano'y miyembro ng isang  drug syndicate matapos umano silang lumaban sa mga tauhan ng Negros Occidental Provincial Police Office (NOPPO) sa Manapla, Negros Occidental, ngayong Lunes.

DRUGS images (2)

Sa report na tinanggap ni Police Regional Office (PRO)-Region 6 director Chief Supt. John Bulalacao, ang insidente ay naganap sa sa Barangay Santa Teresa, dakong 7:00 ng umaga.

Sinabi naman ni Senior Supt.Romeo Baleros, office-in-charge ng NOPPO, sinalakay ang mga suspek ng mga tauhan ng pulisya makaraang magsagawa ng buy bust operation.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Sa halip na sumuko ang mga suspek bumunot ng baril at nakipagbarilan sa mga pulisya dahil ng pagkakamatay ng mga ito.

Kasama sa mga napatay ang lider ng grupo na kinilalang si Alson Aguirre ng Divinagracia drug group na nakabase sa Silay City.

Nakuha sa mga suspek ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu, isang M-16 rifle, grease gun, kalibre .45 na pistol, kalibre .38 na revolver at isang granada.

Nadakip naman ng mga pulis ang isa pang lalaking nagsilbing lookout ng grupo, na nakuhanan din ng pistol.

-Fer Taboy