Eto ang talagang big-time!

(Photo by ali vicoy)

(Photo by ali vicoy)

Inaasahang tataas ng P1.50 hanggang P1.65 ang kada litro ng gasolina ngayong linggo.

Kasabay nito, tinaya ng mga kumpanya ng langis na madadagdagan din ng P0.30-P0.35 ang kada litro ng diesel, at P0.35-P0.45 naman ang kerosene.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-presyo sa Martes, kasunod ng pagtaas ng presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Maraming geopolitical factors ang patuloy na nakaaapekto sa pandaigdigang presyo ng petrolyo, kabilang ang pagpapatupad ng mga sanction sa Venezuelan oil exports, at problema sa supply mula sa Gitnang Silangan, partikular na sa Iran.

-Myrna M. Velasco