Isa ang patay habang dalawa ang sugatan at aabot sa P700,000 ang halaga ng natupok sa Pateros, nitong Sabado.
Sa mopping operation ni Insp. Demetrio Sablan, ng Pateros Fire Department, isang babae, na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan, ang nadiskubreng patay sa insidente.
Sugatan naman sina Mike Angelo Poncio, 23; at Alfredo Maglolo, 73, na kapwa nagtamo ng mga lapnos sa katawan.
Sa ulat ni Fire Officer 2 Maglangit, nagsimula ang apoy sa No. 82 M. Lozada Street, Barangay Santo Rosario-Kanluran sa nasabing munisipalidad, bandang 11:45 ng umaga.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 30 bahay, na pawang gawa sa kahoy at light materials.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula pagsapit ng 1:10 ng hapon.
Nag-overheat na electric fan ang itinuturong sanhi ng sunog.
-Bella Gamotea