GAYA ni JK Labajo na nakaranas ng pambabastos mula sa ilang rude concert-goers, may ganito ring karanasan ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa mga dati niyang performance. Kuwento ni Lani, kahit siya ang kumakanta sa stage, ang pangalan ni Regine Velasquez ang isinisigaw ng mga manonood.

Wala raw ito sa kanilang kontrol at hindi ito maiiwasan.

“Oo, naman. Oo naman,” pahayag ni Lani sa press conference ng The Aces, ang upcoming concert niya kasama sina Darren Espanto at Jona. “Na-experience ko naman talaga ‘yun.”

Ano ang naging reaksiyon ni Lani nang isigaw ang pangalan ni Regine sa halip na pangalan niya?

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

“Wala. Ganu’n talaga, e,” natatawa niyang sagot.

Hindi ba niya sinisita ang mga bastos na manonood ng concert?

“No. Kasi parang ano lang ‘yan, parang sa social media ka, may mga bashers. Alangan namang i-reprimand mo. Hindi, eh, mas lalo pang lalaki,” sagot ni Lani.

Nagkuwento pa si Lani ng ilan pang hindi magagandang karanasan habang nagpe-perform siya.

“Actually, nasa banda pa ako nu’n. Meron sa audience na mga hambog. Siyempre banda ako, ‘di ba? Meron sa audience, maliit na lugar lang ‘yun, e, tiny lounge. ‘Tapos kumakanta kayo ng banda mo, ‘tapos biglang paghihikaban ka.

“Parang, ‘Ano ba ‘yan?’ As in malakas, kasi ang liit-liit lang nu’ng lugar. Maraming mga ganu’n. ‘Tapos meron naman talagang nagdadaldalan sila, talagang nananadya. Alam mo ‘yun?”

Maging sa U.S., kung saan matagal na nanirahan at nagtrabaho si Lani, may mga pambabastos din daw siyang naranasan.

“Meron sa Amerika. Kasi sa audience siya, parang hindi talaga siya pumapalakpak. I don’t know kung ano ‘yung ginagawa ko, I don’t know kung ano basta ending, tumayo naman siya,” sey ni Lani

-ADOR V. SALUTA