CABANATUAN CITY – Apat na bayan at isang lungsod ang apektado ngayon ng pananalasa ng pesteng 'army worms' sa mga pananim na sibuyas sa Nueva Ecija.
Ito ang inihayag ni Provincial Agriculture Office chief, Serafin Santos at sinabing kabilang sa mga lugar na iti ang Bongabon, Rizal, Sto. Domingo, Gen. Natividad, at Palayan City.
Aniya, walang ibang paraan ang mga magsasaka kundi anihin nang maaga ang mga tanim na sibuyasbago pa masira ang mga ito sa naturang peste.
Sa kabila nito aniya, hindi naman umano ito nakaaapekto sa
produksyon ng sibuyas.
Inaalam pa ang kabuuang halaga ng napinsalang pananim.
Ayon sa ilang magsasaka, tinatayang aabot sa P50,000 ang
pinakamababang gastos sa 1/2 ektaryang pananim na sibuyas.
-Light A. Nolasco