ZAMBOANGA CITY – Tinatayang aabot sa P10 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad matapos salakayin ang tatlong pinaghihinalaang drug den na ikinaaresto ng tatlong umano’y bigtime drug dealer sa Ipil, Zamboanga Sibugay, kamakailan.

DRUGS download (9)

Kinilala ni Police Regional Office-Zamboanga Sibugay (PRO)-Region 9 director, Brig. Gen. Emmanuel Luis Licup, ang tatlo na sina Ben Hazer Anduhol, Nicanel Maningo, 31, may-asawa, at Benjamin Calon Hassan, alyas Solaiman Calon, 25, may-asawa, pawang taga-Tenan sa Ipil.

Aabot sa P1.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon, assorted high caliber assault firearms at mga bala ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng Philippine Army at Philippine National Police, sa tatlong drug den sa Barangay Tenan, nitong Miyerkules, dakong 1:00 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Nonoy E. Lacson