Bibigyan ni Pangulong Duterte ng pabuya ang mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency na nakapatay sa itinuturong pinakabigating supplier ng party drugs sa bansa.

Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte

Aniya, nakausap niya mismo si PDEA Director Aaron Aquino at tiniyak niyang makatatanggap ng P1.5 milyon ang mga tauhan nito dahil sa pagpatay kay Steve "John" Pasion.

Napatay ng mga PDEA operatives si Pasion matapos na manlaban sa anti-drug operations sa kanyang condominium sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Lunes ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha sa suspek ang P6 milyong halaga ng shabu at tatlong bote ng liquid ecstasy, na nagkakahalaga ng P75,000; at mga drug paraphernalia.

Ayon pa sa PDEA, may mga suking artista ang suspek.

Beth Camia