Pinabili umano ng ilegal na droga at pinabatak bago inabuso ng presidente ng person with disability (PWD) ng barangay ang apat na binatilyo sa Parañaque City, nitong Martes.

PWD_ONLINE

Nakakulong sa Parañaque City Police headquarters at iniimbestigahan si Nelson Balmores y Paragas, 31, PWD president ng Barangay Don Bosco, Parañaque City, at residente ng GK El Dorado Dulo sa nasabing barangay.

Ang kanyang mga biktima ay nasa edad 15, 14, 17 at 18.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa bahay ng suspek at nadiskubre lamang ng mga magulang ng mga biktima ang pangyayari nitong Martes, dakong 8:00 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa naging pahayag ng mga biktima, inutusan sila ng suspek na bumili ng ilegal na droga at ipinagamit sa kanila sa loob ng kuwarto at dito naganap ang pang-aabuso.

Isa-isa umanong minolestiya ng suspek ang mga biktima at pinagbantaan din umano ang mga ito at ipakukulong kapag nagsumbong sa kani-kanilang magulang.

Gayunman, nagpasya ang mga biktima na magsumbong sa kanilang magulang kaya agad na ipinaaresto sa mga pulis ang suspek.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

-Bella Gamotea