BIGYAN daan ang Pinoy sa sports na estranghero ang sambayanan.

MASAYANG ibinida ng Philippine Hockey team ang napagwagihang silver medal laban sa defending champion Mongolia. (Hockey Philippines FB)

MASAYANG ibinida ng Philippine Hockey team ang napagwagihang silver medal laban sa defending champion Mongolia. (Hockey Philippines FB)

Umukit ng kasaysayan ang Philippines Ice Hockey Team nang makamit ang silver medal sa katatapos na 2019 IIHF Ice Hockey Challenge Cup of Asia sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matikas na nakihamok ang Pinoy, ngunit kinapos sa krusyal na sandali laban sa defending champion Mongolia sa championship match, 5-3. Nagawang magapi ng Nationals ang Mongolian sa preliminary round, 6-3.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa finals, mas agresibong Mongolian ang nakaharap ng Pinoy tungo sa 3-0 bentahe. Matikas ang ratsada nina Bayarsaikhan Jargalsaikhan at Erdenesekh Bold, habang senulyuhan ni Gerelt Ider ang panalo ng Mongolia.

Nagawang makaiskor ni Julius Santiago para buhayin ang tsansa higit at maitabla ang iskor sa 3-3. Subalit nakalusot sina Jargalsaikhan at Bold para sa panalo.

Sa kabila ng kabiguan, umani ng paghanga ang Nationals at kinilala ang kahusayan nina team captain Steven Fuglister na tinanghal na MVP, gayundin si Paolo Spafford na ‘best goalie’ at Jan Aro Regencia bilang ‘Player of the Team’.

-BRIAN YALUNG