BINAWIAN ng buhay si Moro Islamic Liberation Front (MILF) First Vice Chairman Ghazali Jaafar ngayong araw, sa edad sa 75.

MILF leader

Ang balita ng pagkamatay n glider ay kinumpirma ng anak niyang si Johari Abo. Aniya, binawian ng buhay si Jaafar bandang 1:00 ng madaling araw nang atakehin sa puso, ilang linggo makaraan niyang dalhin sa isang ospital sa Davao City para sumailalim sa gamutan.

Si Jaafar, isa sa mga haligi ng MILF, ay itinalagang speaker ng parliament ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Siya ang chairman ng Bangsamoro Transition Commission na lumikha ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at naghayag na ang mga residente ng Bangsamoro na Muslim, Christian at lumad ay ilang dekada nang naninirahang magkasama.

Inilibing din si Jaafar ngayong araw bandang 1:35 ng hapon, sa kanyang farm sa Pigkalagan Sultan Kudarat sa Maguindanao at tinatayang 6,000 katao ang pumunta sa libing.

-Nonoy E. Lacson