HALINA at silayan ang 6th Festival Parade of Lights ng Tanauan City, isang taunang pagdiriwang at kasiyahan na bahagi ng pagdiriwang ng 434th foundation day bilang isang makasaysayang bayan at ika-18 taon bilang lungsod sa Marso 16.

Ayon kay Mayor Jhoanna Corona-Villamor, nagmula ang inspirasyon ng piyesta sa isa sa mga pambansang bayani ng bansa at isang dangal ng siyudad, si Apolinario Mabini.

Ayon kay Villamor, sinisimbolo ng kapistahan ang katalinuhan at prinsipyo ni Mabini, na ipinanganak sa siyudad, bilang isang “Dakilang Lumpo” na naging “Utak ng Rebolusyon” noong panahon ng Espanyol.

“Si Apolinario Mabini na nagsilbing liwanag noong nasa panahon ng karimlan ang ating bansa sa pamamagitan ng kanyang angking talino at paninindigan, ay patuloy na sinusuportahan at pinagyayaman,” pagbabahagi ng Mayora.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

Ayon sa alkalde, nagbibigay din ng pag-asa at inspirasyon ang piyesta ng mga ilaw sa mga Tanaueños sa gitna ng mga pagsubok at balakid sa buhay.

Sa Marso 16, nakatakdang pangunahan ng lokal na pamahalaan ng Tanauan City ang parade para sa pista paikot sa lungsod para sa iba’t ibang disenyo ng mga pailaw ng 19 na floats ng iba’t ibang kumpanya, establisyemento, ospital at mga organisasyon.

Sasabayan ito ng street dance na suot ang umiilaw na mga kasuotan bilang bahagi ng kumpetisyon.

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga bisita at makikisaya sa pista, nagpaabot ng abiso ang lokal na pamahalaan sa mga motoristang maaaring maapektuhan ng pista dahil sa rutang dadaanan ng parada.

Samantala, sa bagong tayong gusali ng kapitolyo nakatakdang pagdausan ng pagpaparangal sa mga nagsipagwagi.

Ayon sa mga nag-oorganisa ng pista, isinisimbolo rin ng pagdiriwang ang mahigpit na pagkakaisa, kooperasyon ng bawat mamamayan, gayundin bilang paraan upang isulong ang malaking potensiyal ng siyudad bilang isang investment site.

PNA