MAY open letter si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram Story nitong Sabado para sa isang “Margaux”.

Angelica

“Alam mo kung sino ka. Alam mo din ang mga sinabi mo. May mga nagawa ako noong bata ako, na hindi ko maipagmamalaki. Naging matabil ako. Nagsasalita nang hindi nag-iisip. Kaya naisip kong magbago. ‘Yung kahit anong mangyari sa’yo, ‘wag na ‘wag kang magsasalita nang masakit laban sa ibang tao. Lalong- lalo na sa kababaihan.

“Hindi natin dapat hinihila pababa ang isa’t isa. ‘Wag kang manakit ng tao. Lalo na at wala akong ibang ipinakita sa inyo kung hindi kabutihan. Lalo na sa’yo. Hindi kita kapamilya o kaibigan pero kahit minsan, hindi kita binatos o kahit na sino sa inyong nagmamahal sa kanya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Iisa ang tanong ng followers ni Angelica, sino si Margaux? May sumagot na fan daw ito ni Carlo Aquino, base sa nabasa naming usapan, at kaya nagalit si Angelica dahil bina-bash daw ang aktres ng nasabing babae.

Maraming nagtanggol kay Angelica dahil nagkaayos na sila ni Carlo, kaya hindi na tamang nauulit na naman ang pamba-bash sa kanya? Hindi pa ba naka-move on ang kung sinumang Margaux na ‘yun?

May nagsabing kaibigan at kumare raw ni Carlo ang babae, kaya posibleng ipinagtatanggol nito ang aktor. Ang tanong, para saan niya ipinagtanggol si Carlo? Anong isyu, dahil matagal nang tapos ang gusot ng dalaga at okay na nga sila?

O baka hindi matanggap ni Margaux na nawala na si Carlo sa seryeng Playhouse at iniisip na may kinalaman si Angelica sa pagkakatsugi ng aktor sa serye?

Ang kuwento ng Playhouse ay para talaga kina Angelica as Patty at Zanjoe Marudo bilang si Marlon, na mag-asawang nagkahiwalay. At para humaba ang kuwento at magkaroon ng conflict ay ipinasok si Carlo nang nabuhay ulit ang tambalang CarGel matapos na kumita ang pelikula nilang Exes Baggage last year.

Siyempre, hindi naman magpapatalo ang karakter ni Marlon na walang kapartner, kaya ipinasok si Isabel Daza bilang si Lea.

Pero dahil ang bida talaga sa kuwento ay sina Angelica at Zanjoe kaya kalaunan ay sila pa rin ang magkakabalikan, base na rin sa tumatakbong kuwento ngayon ng Playhouse. Sana pinapanood ni Margaux ang serye para maintindihan niya ang takbo ng kuwento nito at huwag nang i-bash si Angelica.

Anyway, sa kuwento ng serye ay nasagip na nina Patty at Marlon ang inaanak nilang si Robin (Justin James Quilantang) dahil sa muling pagsasanib-puwersa ng mag-asawa para sa bata, kasama na ang tulong ni Natalia (Maxene Magalona).

Nakakuha ang Playhouse sa national TV rating na 17.9% noong Huwebes (Marso 7), base sa datos ng Kantar Media. Sampung puntos naman ang lamang ng show laban sa kalabang programa nitong Hiram na Anak na nagtala lang ng 7.8%.

Sa huling dalawang linggo ng Playhouse ay babalik pa si Peter (Ivan Padilla) para maghiganti sa kanila at wakasan ang kanilang mga buhay. Kaya bang pigilan nina Patty at Marlon ang kasamaan ni Peter?

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Playhouse tuwing umaga, sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

-REGGEE BONOAN