INIINTRIGA na naman si Ai Ai delas Alas. Nawawala na raw siya sa limelight, kaya bumalik na siya sa ABS-CBN.

Ai Ai

Ang sagot ni Ai-Ai: “Sa ASB siguro kasi kayo nanonood, taga- GMA na po ako.

Natawa ang followers ni Ai Ai sa isinagot niya sa basher, dahil obvious namang hindi ito nanonood ng shows ng GMA-7, at hindi alam na visible si Ai Ai sa shows ng Kapuso Network.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

E v e r y Sunday, napapanood si Ai Ai sa Sunday PinaSaya, may recurring role siya sa sitcom na Daddy’s Gurl, at mapapanood na rin sa Kara Mia. Gaganap si Ai Ai na engkantadang si Reynara, na tutulong sa engkantong si Iswal (Mike Tan) na maging mortal para makalapit at makapanligaw kay Aya (Carmina Villarroel) at makalapit sa inaangking mga anak na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).

“Minsan sa buhay naming mga artista kahit nanahimik kami at nagtatrabaho nang maayos, may mga taong gumagawa para maging masama kami.

“Kagaya ng post ko na ‘to sa IG, nung Linggo pa ito, eh sinagot ko lang ang sinabi ni Ate, kasi sa ABS siya nanonood, eh taga-GMA ako, paano nga naman niya ‘ko mapapanood?

“Tapos ngayon lang ipo-post nito (ayaw ko nang banggitin kasi sisikat pa siya at baka i-follow pa siya). Ngayon lang niya naisip i-post na parang pinag-isipan muna... ‘sino kaya ang mai-bash ngayon? Ahhh si Ai Ai i-post natin ‘to’.

“So kung hindi mo alam ang thread ng usapan, ‘pag nabasa mo ang title ng post na ‘to, syempre mga manonood na Kapamilya or Kapuso magpapalitan ng opinyon or mag-aaway, at siyempre ako ang madudurog at iba-bash.

“Kung sino man ang nag-isip nito, pag-pray kita. #lentseasonnapraynalang.”

-ADOR V. SALUTA