Nagbigay ng reaksiyon si Quezon City Mayor Joy Belmonte hinggil sa motor taxi rider na pumanaw habang nakapila para kumuha ng ₱5,000 ayuda o fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle noong Abril 18.
Sa panayam ng media nitong Lunes, Abril 20, nangako si Belmonte na hindi na raw mauulit pa ang naturang insidente.
“It's just unfortunate that this happened pero with regards to heat, we understand [its effects] kaya naman mayro’n po tayong water station sa kanila,” saad ni Belmonte.
Dagdag pa niya, “We will do our best to make sure na hindi po ito maulit muli."
Samantala, ayon sa alkalde, hindi umano residente ng lungsod ang rider na pumanaw.
Aniya, “He's not a Quezon City resident.. Ang conclusion mayro’n po talaga siyang karamdaman and naabutan lang po siguro sya do’n. That is my understanding... Hindi po matagal ang paghintay nila.”
Batay sa mga kaanak ng rider, hinihinalang inatake ito, na sinabayan pa ng mainit na panahon.
Maki-Balita: Tahimik na naghihintay: Motor taxi rider na nakapila para sa ₱5k ayuda ng DSWD, patay!