May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Xian Gaza, dinepensahan gobyerno sa pagpapauwi kay Zaldy Co

Xian Gaza, dinepensahan gobyerno sa pagpapauwi kay Zaldy Co
Photo courtesy: Xian Gaza (FB), File Photo

Nagawang depensahan ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" at social media personality na si Xian Gaza ang pamahalaan kaugnay sa tila panahon ng pagbabalik kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Pilipinas. 

Matatandaang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., rin mismo ang nagkumpirma sa pagkakaaresto ni Co sa pamamagitan ng paglalabas niya ng pahayag sa kaniyang Facebook post noong gabi ng Huwebes, Abril 16, 2026.

Aniya, hindi pinayagang makapasok sa border ng Germany si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kaya raw pinabalik at nahuli ng mga awtoridad ng Czech Republic.

KAUGNAY NA BALITA: 'We will bring Zaldy Co home in accordance with the law!'—PBBM

Ayon naman sa naging pahayag ni Gaza sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Abril 19, 2026, sinabi niyang patawid daw noon sina Co at pamilya nito sa border ng bansang Germany lulan ng isang sasakyan na minamaneho ng French citizen at may French license plate. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ani Gaza, tila raw naging kampante sina Co at pamilya nito sa pagtawid ng hangganan ng Germany mula sa Czech na walang border control sa naunang nabanggit na bansa kaya nila iniwan ang kanilang pasaporte.

“At dahil kampante si Zaldy and family na walang border control inside the Schengen area, iniwan nila sa France [‘yong] mga pasaporte nila,” pagsisimula niya. 

Aniya pa, “Dagdag-kaalaman, kahit kanselado na ng Philippine government ang passport ni Zaldy Co, ito ay mananatiling valid sa mata ng foreign governments as long as hindi pa ito expired. Hindi niya lang ito pwedeng i-renew.” 

Pagpapatuloy ni Gaza, payapa at wala raw talaga sana malalagay sa problematikong sitwasyon sina Co kung dala lamang nila ang kanilang pasaporte. 

“Going back sa istorya, kung bitbit ni Zaldy Co ang kaniyang Philippine passport while crossing the Czech-German land border, payapa silang makakadaan sa random checkpoint,” saad niya. 

Pagkukuwento ni Gaza, ipinakita pa raw ni Co sa mga awtoridad ng Germany ang kaniyang passport gamit ang kaniyang selpon ngunit nandigan ang mga awtoridad na kailangan nila ng aktuwal na kopya ng pasaporte ng dating mambabatas.

“Pinakita ni Zaldy Co [‘yong] picture ng passport niya sa phone ngunit hindi ito tinanggap ng German authorities. Required daw ang physical copy. Dinetain siya sa Czech side ng border sa kasong illegal alien with no proper documentation,” saad niya.

Ayon pa kay Gaza, puwede pa raw sanang pakawalan ng Czech Republic si Co ngunit napag-alaman nilang wanted ang huli sa bansa. 

“Hindi pa siya nade-deport hanggang ngayon kasi yung kaso sana niya ay not for automatic deportation. Kailangan lang sana i-verify ng Czech authorities yung totoong identity niya tapos pwede na siyang makalaya given na mayroon naman talaga siyang valid Schengen visa kaso hindi lang niya dala,” paglilinaw niya. .

Base pa kay Gaza, tila raw napilitan na ang Czech Republic na ikulong si Co upang mabantayan ito at maituring na “fugitive from justice” sa bansa. 

Giit naman niya, wala naman daw talagang existing INTERPOL red notice at walang mga local records si Co sa nasabing bansa. 

“Pero dahil nag-submit na ng petition ang DFA Philippines through the Philippine Embassy sa European Union, naobliga ang Czech authorities na i-detain siya at i-hold bilang wanted fugitive of the Republic of the Philippines pero hindi siya mapauwi agad-agad dahil wala naman siyang existing InterPol Red Notice at wala siyang existing local case sa EU para maging subject for extradition.”

“Gets niyo na ngayon? Hindi na kayo naguguluhan? You're welcome! So please stop bashing our own government saying na mahina sila o walang kwenta bla bla bla. No!,” aniya. 

Depensa ni Gaza, ginagawa raw ng gobyerno ang lahat upang masolusyunan ang usaping ito. 

“They are doing everything they can! Sadyang sobrang komplikado lang talaga ng sitwasyon. I will update you all sa mga susunod na kabanata,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang pamahalaan para patotohanan ang post na ito ni Gaza. 

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, tiklo sa pagpasok sa Czech Republic—PBBM