SIGURADONG marami ang makaka-relate at mai-inspire sa upcoming Kapuso primetime series na Sahaya.
Balita namin, ang konsepto ng programa ay base sa totoong kuwentong buhay ng isang Badjao.
Ayon sa headwriter ng Sahaya na si Suzette Doctolero, inspired ito sa kuwento ng kanyang sariling ina na lumaki sa hirap ngunit nagpursige upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga anak.
Isinasalamin naman ng Kapuso teleserye ang kuwento ng mga Badjao, sa katauhan ni Sahaya, na gagampanan ni Bianca Umali. Gagawin ni Sahaya ang lahat upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Inspiring ang kuwento ng ina ni Suzette, na para sa mga anak ay nangarap at nagsikap para na rin sa kanyang pamilya, hindi lang para sa kanyang sarili.
Abangan ang Sahaya, na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad, para naman marami ang ma-inspire sa kuwento nito, mahirap man o mayaman.
Sabi nga …dream, believe, survive!
-MERCY LEJARDE