Inaresto ang lasing na police officer matapos umano nitong magpaputok ng baril sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Sampaloc, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

COP_ONLINE

Kinilala ng Manila Police Sampaloc Station ang suspek na si Master Sgt. Winefer Molina, 42, nakatalaga sa Masambong Police Station (PS-2) sa Quezon City Police District.

"’Yung may-ari ng tinutuluyan niya yung nakarinig at nakakita sa kanya na sobrang lasing. Nakapasok pa nga 'yung may-ari kasi hindi niya natanggal yung susi sa doorknob," pahayag ni Police Capt. Philipp Ines sa BALITA.

National

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido

Sa imbestigasyon, narinig ng mga residente na malapit sa kanyang inuupahan ang putok ng baril mula sa kanyang unit sa Josefina Street, Sampaloc, Maynila Barangay 530 nitong Marso 9, dakong 9:30 ng gabi.

Sinabi ni Ines na agad ini-report ng may-ari ng apartment ang insidente sa pulisya.

Nagtungo ang mga miyembro ng Calabash Police Community Precinct sa lugar at inaresto si Molina na nakahiga sa kanyang kama katabi ang 9 mm pistol, ang kanyang service firearm, magazine na kargado ng tatlong bala at isang basyo.

Dinala ang suspek sa ospital para sa medical examination at kalaunan ay sa MPD General Assignment and Investigation Section (GAIS).

Kakasuhan ang suspek ng alarm and scandal.

-Erma R. Edera