TATLONG araw pa lang na-release ang tickets para sa First Generation MNL48 Living The Dream Concert ay more than 50% na ang nabebenta kaya panatag ang loob ng mga miyembro ng MNL48 at ang direktor nilang si GB Sampedro.

MNL48

Wala mang regular TV show ang MNL48 ay nagugulat naman kami sa sobrang kasikatan nila sa social media, at lahat ng performances nilang nasa YouTube ay umabot na sa milyon ang views bukod pa sa napakaraming positibong comments.

Matagal nang nagdidirek ng concerts si Direk GB at unang beses siyang magdidirek ng ganito karaming performers.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

“By groups sila. Magsasama ang 1st batch na napiling 9 plus 2nd batch na 48, so 57 lahat silang magso-show. We are expecting to do other things na hindi pa nila nagagawa sa mga previous performances nila. Expect everyone to have fun.”

Ano ang pagkakaiba ng MNL48 concert sa mga nagawang shows na ni Direk GB?

“Actually medyo kaiba sa ilang concerts na nagawa ko. Since ito medyo mas marami sila and we have to follow the standards ng protocol ng Japan. It’s a new thing for me. And I’m also learning how they do shows abroad, so medyo exciting at medyo kabado rin. Iba kasi ito sa performances na nagawa ko.”

Bagamat maraming ideyang gustong gawin si Direk GB para sa mga bagets ay hindi naman niya puwedeng basta gawin dahil nga sa protocol.

“Lahat ng ginagawa namin dito sa Pilipinas, collaboration ito sa Japan. So, in terms of staging, unlike before kapag may mga concert as a director, ako ang bahala sa lahat. Ito may mga kailangan tayong ipa-approve muna kung okay o hindi puwede.

“Ma y mg a standard din sila in comes sa choreography, to music, to lighting, to staging. Lahat ‘yan dumaraan sa process, so ‘yun ang malaking difference rito.

“I might be a little exciting kasi iba nga siya. Iba siya sa mga ginagawa natin sa Pilipinas. So, para akong nagdidirehe ng isang international concert dito sa Pilipinas,” paliwanag ni Direk GB.

At dahil dito sa Pilipinas ang concert ng MNL48 ay may touch pa rin ito ng pagka-Pinoy.

“We see to it na we follow their standard pero hindi nawawala ‘yung local flavor since nasa Pilipinas tayo. So my touches pa rin ng Pinay pagdating sa outfit, pagdating sa pagkanta, even ‘yung mga song nila, Tagalize parang walang existing na kanta. ‘Yung mga kanta nila para sa culture natin,” say pa ng direktor.

At dahil napakarami ng MNL48 plus 9 sa unang batch, ay paano ang exposure ng mga bata?

“Lahat ‘yan mayroon tayong order of appearance kung sino magli-lead sa isang kanta, o sino ‘yung kakanta sa number na ito. Equally divided naman siya. Ang exposure ng 48 plus 9 we make sure na lahat sila lalabas ang talent nila pagdating sa concert na ito,” katwiran ni Direk GB.

Nagulat kami sa ginanap na mediacon ng MNL48 sa Moviestars Café sa Centris along EDSA dahil may Japanese reporter na dumalo sa event. Ayon sa publicist ng event na si Vangie Ruiz, talagang sinusubaybayan ng bansang Japan ang lahat ng activities ng grupo kahit nasaang lugar sila maging sa Pilipinas man o sa ibang bansa.

Kaya naman ang saya-saya ng bawat miyembro ng MNL 48 sa nalalapit nilang concert sa New Frontier sa Abril 6, ang MNL48 Living The Dream Concert.

Ayon sa front liners na sina Sheki, Abby, Sela Brei, Belle, Rans, Coleen, Gabb, Jem, Lei, Mari, Jan, Kay, Alyssa, Faith, at Ella ay malaki ang nagawa ng It’s Showtime sa kanila kung saan sila inilunsad.

Masaya ring nabanggit ng MNL48 na kabilang na sila sa malaking concert na ginanap sa Impact Arena, Bangkok nitong Enero 2, kasama ang sister groups nilang AKB48, SGO48, BNK48, JKT48, AKB48 Team TP at AKB48 Team SH na may titulong AKB48 Group Asia Festival 2019.

“Sobrang laki ng natulong sa amin nu’ng concert sa Bangkok, maraming ideas at lakas ng loob as an idol. ‘Yung nakuha naming confidence, mas na-inspire kaming makapagbigay ng saya sa ibang tao, na-boost din po ang confidence namin,” sabi ni MNL48 Abby.

Noong 2018 ini-launch ang MNL48 sa media na ginanap sa Hive Hotel at mga nene pa sila noon. Hindi pa masyadong makapagsalita, pero ngayon ay ibang-iba na dahil bukod sa nagkaroon na sila ng self confidence ay nag-iba na rin ang mga itsura nila. Sabi nga namin ay mukha na silang foreigner.

Natanong kung may disadvantage o advantage ba na nabago ang itsura nila dahil baka hindi na rin sila kilala ng mga dati nilang kaibigan o pamilya. At paano ‘yung umuuwi sa malalayong lugar, may sarili ba silang tirahan?

“It’s more on advantage, wala pong disadvantage, kasi po gusto namin ang ginagawa namin. Mayroon kaming mansion, housekeepers, RMs (road manager), they do take care of us talaga. Lagi kaming may mga journey, puspusan din po talaga ang trainings namin kaya talagang advantages po ang pinahahalagahan namin dito,” paliwanag ng grupo.

Samantala, yearly ang renewal ng contract ng MNL48 base sa director nilang si Gio Medina.

“Tinatanong sila kung gusto pa nilang mapasama sa grupo kaya walang pilitan at so far, lahat sila gusto. E, bakit hindi nila gugustuhin, ang ganda ng oportunidad nila, sikat sila, kumikita at nakakaipon, walang gastos dahil lahat libre,” sabi ni Gio.

Tumanggap na rin ng MNL48 ng Pinoy Pop Awards for young artists, Youth Model of the Year – Huwaran ng Kabataan Awards.

Ang First Generation MNL48 Living The Dream Concert ay produced ng Hallohallo Entertainment, Inc. at para sa iba pang detalye ay maaring mag-subscribe sa social media accounts at i-download ang MNL48 Fan Club app na available na sa Google Play Store and App Store.

-REGGEE BONOAN