Payag si Pangulong Duterte na gulpihin ang pulis na nangongotong.

KOTONG

Ayon sa Presidente, hindi niya kukunsintihin ang mga tinaguriang “kotong cops”, at hinimok ang publiko na i-report sa kanyang opisina ang alinmang reklamo ng kurapsiyon laban sa mga pulis.

“Pulis, biktima ka ng ano—hingi, ganun, kotong. Kunin mo 'yung pangalan. Pupunta ako dito, magkita tayo sa airport. Wala akong panahon, tawagin ko 'yung buang na 'yun. Sabihin ko, 'Sige, bugbugin mo',” sinabi ni Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Negros Occidental nitong Biyernes.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Muling hinimok ni Duterte ang mga kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga pulis, na tigilan na ang kurapsiyon at ayusin ang pagseserbisyo-publiko.

Nagbanta rin siyang sisibakin at kakasuhan ang mga kawani ng gobyerno na nasasangkot sa kurapsiyon at pag-abuso sa kapangyarihan.

“You must remember that we are government workers and we work for the people. We do not make it hard for them,” sabi ni Duterte.

“What they want from government, huwag mong pabayarin 'yan kasi hindi dapat 'yang kotong-kotong,” dagdag pa niya.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo ilang araw makaraan niyang ipagtanggol si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar sa pananakit at pagkastigo sa pulis na naaktuhan umanong nangongotong sa isang drug suspect.

-Genalyn D. Kabiling