Bumulusok sa ere ang isang Ethiopian Airlines Boeing 737 passenger jet na patungong Nairobi ngayong Linggo, at nasa 157 katao ang lulan nito.

TRAHEDYA Ang Ethiopian Airlines Boeing 737-800 plane sa Bole International Airport sa kabisera ng Ethiopia na Addis Ababa noong 2017. (REUTERS, file)

TRAHEDYA Ang Ethiopian Airlines Boeing 737-800 plane sa Bole International Airport sa kabisera ng Ethiopia na Addis Ababa noong 2017. (REUTERS, file)

Bumagsak ang Flight ET 302 malapit sa bayan ng Bishoftu, may 62 kilometro sa timog-silangan ng Addis Ababa, ayon sa airline, at kinumpirmang ang eroplano ay isang Boeing 737-800 MAX.

Umalis ang eroplano sa Bole airport sa Addis Ababa bandang 8:38 ng umaga (local time), bago nawalan ng contact sa control tower dakong 8:44 ng umaga.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

“Search and rescue operations are in progress and we have no confirmed information about survivors or any possible casualties,” saad sa pahayag ng airline ngayong Linggo ng hapon.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpaabot na ng pakikiramay ang gobyerno sa pamilya ng mga naapektuhan ng aksidente, at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

-Reuters