Kulong ang fishball vendor matapos umano nitong harassin ang anak at manugang ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa Makati City, iniulat ngayong Linggo.
Sa ulat ng Makati City Police Station (MCPS), kinilala ang suspek na si Conrado Bingco, 38 anyos. Kinumpronta ni Lucas Bersamin, Jr., 37, si Bingco matapos umanong sigawan ng huli ang misis ni Bersamin na si Bianca habang naglalakad sa Malugay Street sa Barangay Bel-Air, nitong Sabado.
Sa gitna ng argumento, napansin ni Bersamin, na may kinukuha si Bingco sa kanyang beywang.
Dahil dito, agad na nagpasaklolo si Bersamin sa mga pulis at inaresto ang fishball vendor saka dinala sa Makati City Police Station.
Nahaharap si Bingco sa kasong unjust vexation and threat.
-Fer Taboy