GAGASTOS ang Negros Occidental ng karagdagang P40 milyon upang mapalago ang farm mechanization program nito, ayon kay Provincial Agriculturist Japhet Masculino.

Sa kanyang talumpati sa Commodity Investment Forum sa Capitol Social Hall, sa Bacolod City, sinabi ni Masculino na sa pamamagitan ng karagdagang pondo, makikipagtulungan sila sa Department of Agriculture (DA).

Aniya, ilalatag ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ang plano kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, na inaasahang darating sa Sagay City kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes, para sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs).

“Under the proposed scheme, the province will have a counterpart of 20 percent. If we have PHP40 million, the remaining 80 percent or PHP160 million will come from the DA’s Rice Enhancement Program (RCEF),” sinabi ng OPA chief.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

Sa ilalim ni Governor Alfredo Marañon, Jr., isinusulong ng probinsiyal na pamahalaan ang farm mechanization, upang tulungan ang mga magsasaka na mapalago ang produksiyon at kita sa pamamagitan ng pagbabawas ng production costs, at ikinonsidera kamakailan bilang isa sa mga paraan upang maiwasan ang mga posibleng hindi magandang epekto ng Rice Tariffication Law sa mga magsasaka ng Negrense.

Nitong nakaraang taon, naglaan ang probinsiya ng P25 milyon para makabili ng farm equipment, ngunit “minimal” rice production areas lamang ang masasakop nito.

Ayon kay Masculino, ang target ay ma-fully mechanize ang kabuuang rice production areas ng probinsiya sa loob ng tatlong taon.

Idinagdag niya na sa oras na maaprubahan ang proposal, ang P200 million counterpart fund ng probinsiya at ang DA ay makakabili ng 30 set ng makina, kabilang ang traktora.

Makikipagtulungan din ang probinsiya sa 30 service providers na kayang sumakop ng kabuuang 12,000 ektarya, o 400 ektarya bawat service provider.

“With these additional machines, we can already fully mechanize the entire Bago River Irrigation System area,” sabi ni Masculino.

Ang forum nitong Huwebes, na dinaluhan ng nasa 130 magsasaka at iba pang grains industry stakeholders, ay inorganisa ng OPA, Provincial Veterinary Office, at Provincial Economic Development and Incentive, at iba pang departamento.

PNA