IGINIIT ng Games and Amusement Board (GAB) na binigyan ng 30 araw si JayR Reyes ng Columbian Djip upang maisulong ang reklamong isinampa niya laban sa kapwa PBA players na sina Stanley Pringle at Moala Tautuaa ng North Port.
Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, hihintayin nila ang magiging desisyon ni Reyes hingil sa apela nito sa PBA Commissioner’s Office bago isulong ang reklamong isinampa ng una sa GAB office.
Pinatawan ng isang larong suspensyon at pinagmulta ng P75,000 si Pringle, miyembro ng Gilas Pilipinas, ng PBA dahil sa nilikhang gulo, ngunit inapela ito ni Reyes.
“Hindi kontento si Reyes sa naging desisyon ng PBA. Although may sariling rules and regulation ang liga. Kami sa GAB ay hindi naman puwedeng magpabaya kung may taong nagrereklamo,” pahayag ni Mitra.
“So after meeting the three players, sinabihan naming si Reyes na may 3o0 days siya para magdesisyon sa kalalabasan ng kanyang apela,” aniya.
Hindi direktang sinabi ni Mitra ang posibleng kaparusahan kina Pringle at Tautuaa, ngunit batay sa libro ng GAB suspensyon hanggang sa pagbawi ng lisensya ay puwedeng ipataw ng ahensiya sa mga lumalabag na pro athletes.
Sinabi ni Mitra na hindi nagustuhan ni Reyes ang desisyon ng PBA dahil sa labis na pananakit na natamo ng i-takedown siya ni Pringle at pagtulungang suntukin kasama si Tautuaa.
Sa video tape na nakalap ng Balita na ipinapalagay na may kopya na rin sa PBA, napikon si Pringle sa pakikipaggitgitan kay Reyes at agad niya itong itinunba sa paghila sa isang paa. Nang mapahinga pinaulanan nila ni Tautua ng suntok anbg pobreng player.
Sa medical record nagtamo ng sugat sa ilong si Reyes. Edwin Rollon