HINDI lamang pagkakataon na matutunan ang sports na football, bagkus maging tuntungan ng kabataan para makapag-aral at makaiwas sa masamang bisyo ang misyon ng Speed Regalo Youth Football League.

MATAMANG nakikinig ni Youth Football League (YFL) president Miguel Atayde (ikalawa mula sa kaliwa) sa mensahe ng kapwa panauhin na si Chess Grandmaster Eugene Torre sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Kasama ring bumisita sina (mula sa kaliwa) NU Bullpups coach Goldwin Monteverde, TOPS president Ed Andaya, Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar at Victor Lau.

MATAMANG nakikinig ni Youth Football League (YFL) president Miguel Atayde (ikalawa mula sa kaliwa) sa mensahe ng kapwa panauhin na si Chess Grandmaster Eugene Torre sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila. Kasama ring bumisita sina (mula sa kaliwa) NU Bullpups coach Goldwin Monteverde, TOPS president Ed Andaya, Mapua Fil-Chinese Alumni president Edmond Aguilar at Victor Lau.

Ayon kay YFL founder Miguel Atayde, mula nang maitatag ang liga may dalawang taon na ang nakalilipas, ilang kabataan na rin ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral bilang scholar, habang nakawala sa banta ng kriminalidad ang ilan sa mga players ng mga koponan.

Kabuuang 3,000 kabataan ay inaasahang makakalahok sa 20 koponan na sasabak sa YFL ngayong season, ayon kay Atayde.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“‘Yung Youth Football League basically is the first youth football club association in the Philippines. It was founded in 2017. Ang primary objective namin is to promote youth club-based football. We have about 19 members right now and about 3,000 kids involved,” pahayag ni Atayde sa pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

Pitong age brackets ang isinama sa liga na ayon kay Atayde ay magbubukas ng pintuan para sa kabataan na matupad ang kanilang pangarap na makapag-aral at matuto ng football.

“We go at numbers – meron kaming U7, U9, U11, U13, U15, U17, U19, and this year we’re introducing U21, and we have girls of course U17,” sambit ni Atayde sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at NPC at napapanood ng live via Facebook Glitter Livestream.

“Imagine all these kids in the public-school sector will have the opportunity to play football, and this is what the YFL brings,” aniya.

Iginiit ni Atayde na mula sa liga, asahan na may uusbong na mga bagong players na posibleng maging bahagi ng National Team o makalaro sa club team sa international pro league.

“Sa two years naming nagpapatakbo ng YFL, every year ilang bata ang nakakakuha ng scholarships sa schools – whether high school or college. Nagiging avenue pa kami for that purpose – ‘yun naman ang ultimate objective eh. If you’re going to get the kids to play good football through the club system, and they have enough talent, they are picked up by the schools to be given free education,” pahayag ni Atayde.

“Alam niyo ang daming Pilipino pero ang opportunity na makapaglaro ng football medyo hirap kasi siyempre naka focus lahat sa schools, like sa UAAP, NCAA. Para mas maraming batang matuto sa football, dahil ang daming bata sa Metro Manila – I think ang population ngayon nasa 14 million. Kayang kaya talaga ng Filipino to excel in the sport. Ang kulang lang talaga ‘yung opportunity na matuto sa football, and the YFL is the avenue for them,” aniya.