SA presscon ng Familia Blondina, nabanggit ni Queen Mother Karla Estrada na may dalawang pelikula na gagawin ang anak niyang si Daniel Padilla, minus girlfriend, Kathryn Bernardo.

Kathryn at Alden

Kasabay ng pagsosolo ng magkasintahan sa kanilang susunod na projects, umugong ang balita na balak umanong ipareha si Kathryn sa Kapuso actor na si Alden Richards.

At nito ngang nakaraang araw, sinasabing bibiyahe si Kathryn pa-Hong Kong dahil doon daw ang location ng sinasabing KathDen project—kung matutuloy man ito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Karamihan umano sa mga kukuhanang eksena ay sa Hong Kong, kaya kailangan magkaroon ng immersion doon ang pangunahing karakter. Kaya hindi na kailangang magtaka kung sa susunod na araw ay masa-sight nating nasa Hong Kong na si Kathryn.

‘Yun nga lang, hindi pa sure kung makakasama ni Kathryn sa nasabing immersion sa HK ang kanyang makaka-partner, na walang iba kundi si Alden nga raw?

Inaasahang magsisimula ang shooting sa susunod na buwan, at sa Mayo raw ang tina-target na playdate.

Nagka-casting na sila para sa nasabing pelikula, pero maingat daw ang mga staff sa pagbibigay ng impormasyon hanggang hindi pa nakapaglalabas ng kumpirmasyong magsasama nga sa isang pelikula sina Kathryn at Alden.

Abangan natin ang kanilang official announcement!

Samantala, kung ipapareha si Kathryn sa bagong leading man, may tsika namang ang makakapareha ni Daniel sa kanyang next project ay ang ABS-CBN content officer na si Ma’am Charo Santos-Concio.

Mukhang pag-arte ang pinagkakaabalahan ngayon ni Ma’am Charo. After daw ng showing ng Eerie nila ni Bea Alonzo sa Marso 27, saka naman isusunod ang pelikula niya with Daniel.

-ADOR V. SALUTA