Isang human torso ang natagpuan sa kahabaan ng Mindanao Ave. Extension, Mapulang Lupa, Valenzuela City, nitong Miyerkules ng hapon.

dav

dav

Sa salaysay ng isang security guard sa awtoridad, naka-duty siya nang ipaalam sa kanya ng mga bystanders ang kahina-hinalang sako sa layong 200 metro, bandang 12:30 ng hapon.

Matapos na makitang naglalaman ito ng torso, agad na humingi ng saklolo ang mga saksi sa mga pulis.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ayon sa mga imbestigador, ang nasabing torso ay malapit nang maagnas nang matagpuan.

Nitong Lunes ng gabi, natagpuan naman ang ulo ng tao sa loob ng isang plastic bag sa Barangay 174, Camarin, Caloocan City.

Ayon sa medico-legal expert mula sa Northern Police District-Scene of the Crime Operatives (NPD-SOCO), sariwa pa ang mga sugat sa ulo nang matagpuan.

Magsasagawa ang NPD-SOCO ng DNA examination upang malaman kung ang ulo at torso ay tugma, ayon sa mga imbestigador.

Dinala ang torso sa Candido Funeral Homes in Valenzuela City, at ang ulo sa Jade Funeral Homes sa Caloocan City para sa eksaminasyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Minka Klaudia S. Tiangco