ISINARA na ng aktres ang pintuan niya na makatrabahong muli ang aktor na nakasama niya sa mga pelikula. Hindi kasi maganda ang karanasan niya rito.

Ayaw na ring marinig ng aktres ang pangalan ng aktor, at kung siya ang masusunod, ayaw na sana niyang natatanong siya sa mga presscon tungkol sa aktor.

Tanggap naman ng aktor ang pagtanggi sa kanya ng aktres, at hindi niya ipinagpipilitan ang sarili niya. Naniniwala raw siya na darating ang araw na magkakabati rin sila.

Si aktres naman ay may iba nang ipina-partner sa kanya. Bagay naman sila, kaya naman pinaghahandaan na ng network ang susunod na project ng aktres kasama ang bago niyang ka-love team.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Sa dalawa ay mas madaling nabigyan ng project ang aktres, dahil nakuha niya ang simpatiya ng nakararami, kumpara sa aktor na parang nagsisimula ulit sa kanyang career.

Singit na tanong sa amin ng isang bitchy writer: “May career ba siya in the first place?”

Mayroon naman, dahil maski paano ay may naiambag naman siya sa showbiz. ‘Yun nga lang, hindi nagtuluy-tuloy.

-Reggee Bonoan