Suportado ng pamahalaan ang naging hakbang ng Bureau of Corrections na limitahan ang pribilehiyo sa mga preso kasunod na rin ng pagkakadiskubre ng kontrabando sa maximum security compound sa Bilibid, kamakailan.

PRIBILEHIYO download (5)

Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos na kanselahin ni BuCor chief Nicanor Faeldon ang mga pribilehiyo ng mga bilanggo dahil na rin sa patuloy na pagpupusit ng iligal na droga at iba pang iligal na aktibidad sa mga piitan sa bansa.

Apektado ng kautusan ni Faeldon ang aabot sa 45,000 na bilanggo sa buong bansa.

Eleksyon

Angelika Dela Cruz, umalma sa plunder case na isinampa sa kaniya

Ipinatupad nito ang kautusan nang madiskubreng nagawa pang makipagtransaksyon ng isang drug convict sa mga contact nito sa Cebu, gamit ang internet connection.

Kabilang sa nakanselang pribilehiyo ang pagdalaw at recreational activities ng mga bilanggo, katulad ng paglalaro ng basketball.

Katwiran naman ni Panelo, ang mga ibinibigay na pribilehiyo sa mga preso ay maaaring makansela at hindi nito lalabagin ang karapatan ng mga ito.

“If it’s a privilege, you can lift the privilege. It’s not a right," ayon pa kay Panelo.

-Argyll Cyrus B. Geducos