Mahigit P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa drug suspect sa isang hotel sa Bocobo Street sa Ermita, Maynila, nitong Miyerkules.

HOTEL_ONLINE

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Adzmin Lansa Kadil, alyas Ramil Ramalan, 27, matapos na makipagtransaksiyon sa poseur-buyer sa loob ng hotel nitong Marso 6, bandang 5:00 ng hapon.

Sampung pakete ng umano’y shabu, na may bigat na kalahating kilo, ang nakuha sa suspek.

Ang ilegal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon, ayon sa PDEA.

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers

Nahaharap ang suspek sa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Ria Fernandez