Magbabalik muli ang ONE Championship sa Yangon, Myanmar ngayong Biyernes, Marso 8 para sa ONE: REIGN OF VALOR sa Thuwunna Indoor Stadium.

While all of the Filipino champions are scheduled in ONE: A NEW ERA, there are still plenty of reasons for local martial arts from the Philippines to tune-in and enjoy another loaded match card.

Narito ang ilan sa rason kung bakit kailangan mong mapanood ang ONE: REIGN OF VALOR

Ang daan ni Rene Catalan papunta sa ONE World Title

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nagkaroon ng magandang laban si Rene “The Challenger” Catalan sa strawweight division.

Matapos matalo sa dalawang laban, natagpuan din ni Catalan ang kanyang rhythm at ngayo’y nagbalik na sa five-match winning streak.

Ang tanging nasa harap lang niya ay ang dating ONE Strawweight World Champion Yoshitaka “Nobita” Naito na naging isang pagsubok para sa pangarap na World Title ni Catalan.

Magiging isang classic striker-versus-grappler ang laban pero nagpakita ng matinding pagbabago sa kanyang grappling skills sa mga nakaraan niyang laban.

Sa edad ng 40, hindi kinakitaan si Catalan ng panghihina o pagbagal ng galaw kaya sa susunod na Filipino World Champion ay maaaring manggaling sa Catalan Fighting System.

Ang pagbabalik ni Jomary Torres

Si Jomary Torres ay isang masigasig na Pinay na nagbigay sa atomweight scene ng organisasyon ng tatlong sunod sunod na panalo.

Bumagsak man siya ng ilang beses dahil sa magkasunod na pagkatalo kina Priscilla Hertati Lumban Gaul at Mei “V.V” Yamaguchi ay hindi niya ito hinayaang magtakda kung anong klaseng martial artist siya.

Inamin niyang nahirapan siya sa mga nakaraang laban, nakumpleto naman ni Torres ang kanyang training camp at planong bumalik sa pagiging panalo.

Ang unang ONE World Title defense ni Zebaztian Kadestam

Headline ang blockbuster event ng knockout artist na si Zebaztian Kadestam upang depensahan niya ang kanyang ONE Welterweight World Title laban sa submission wizard na si Georgiy Kichigin.

Napabilib ni Kadestam ang lahat nang mapatumba niya ang erstwhile-unbeaten American Tyler McGuire noong Nobyembre at nakoronahang ONE Welterweight World Champion.

Ang kanyang pagkapanalo laban kay Mcguire ay ang pangsiyam na panalo ni Kadestam na naging sanhi na kinatakutan siya ng iba pang mga kalaban.

Si Kichigin naman ay isang grappling wizard na pupunta sa ONE Championship na may 14 winning streak at ang kanyang huling panalo ay laban sa isa ring submission artist na si Rousimar Palhares.

Sa dalawang world class na talent na mangunguna sa ONE: REIGN OF VALOR ay walang rason ang mga Pinoy martial arts fans na hindi mapanood ang event.