Arestado ang anim na miyembro ng pamilya sa buy-bust operation sa tatlong hinihinalang drug den sa Barangay Pansol sa Quezon City, ngayong Linggo.

BUST

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) director, Police Brig. Gen. Joselito T. Esquivel, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Felix de Leon, alyas Jojo Bulag, 55; anak na sina Richard de Leon, 37; Archie de Leon, 22; at kapatid na si Arthur ce Leon, 52; pamangkin na si Oliver Resuveto, 20; at Herbert Valdez, 29, pawang ng No. 23 Alley compound, Pansol Proper, Bgy. Pansol.

Sinalakay ng mga operatiba ng QCPD-PS9 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang tatlong bahay sa Pansol Proper, Bgy. Pansol at naaresto ang mga suspek, dakong 4:20 ng madaling araw.

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis

Sa imbestigasyon nina PO1 Andrew Reyes at PO2 Richard Galvez, ang mga suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Anonas Police (PS9), sa pamumuno ni Police Supt. Cipriano L. Galanida, sa pamamagitan ng search warrant.

Nakumpiska sa operasyon ang isang .45 caliber, 2 rifle, mga drug paraphernalia, at P200,000 halaga ng umano’y shabu.

Kinasuhan ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Jun Fabon