FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BALITA kahapon na hindi sumipot sina Nicko at Atty. Jesus Falcis nang magsumite si Kris Aquino ng kanyang counter affidavit kay Senior Prosecutor Rolando G. Ramirez para sa grave threat na isinampa sa kanya ng magkapatid.

Kris copy

Ang abogado ng Falcis brothers na si Atty. Rodolfo Ponferrada, Jr. ang tumanggap ng kopya ng counter affidavit ni Kris.

Hindi naman din kailangang pumunta ang magkapatid sa korte nitong Huwebes, pero dahil dalawang beses na hindi nakasipot si Kris sa hearing nitong Pebrero 8 at Pebrero 15, dahil nasa Japan siya, ay umasa siyang magkikita-kita silang tatlo nitong Huwebes.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

“I’m so looking forward to finally seeing them. Ang tapang-tapang sa social media, pero ano na bang araw ngayon?” sabi ni Kris nang kapanayamin ng media nitong Huwebes ng hapon.

“Today is already February 22, and they still have not had the courage to face me. ‘Di ba? Parang, sorry ha, pero andami niyong sinabi laban sa akin. Pero hindi n’yo naman ako kayang harapin?”

Ang susunod na hearing ni Kris ay sa Marso 8, at hinamon niya ang Falcis brothers na magkita-kita na sila sa kondisyong walang media coverage.

“Hinahamon ko kayo. On March 8, let’s see each other. And I would like to request the press to not be present. Para hindi ito maging circus. Gawin natin ito sa tamang paraan. Respetuhin natin ang batas ng Pilipinas at magharap tayo,” sabi ni Kris.

“Kung anu-anong ibinibintang n’yo sa akin. Pero ako, lahat ng ibinintang ko sa inyo, ni minsan hindi n’yo pa rin kayang sagutin.

“So, magharap tayo with nobody. Let this not be a trial by publicity. But let this be a trial in the Philippine court system, which I respect. And I do believe that justice will be served because I know I am innocent.”

Bukas ang espasyong ito sa panig nina Nicko at Atty. Jesus.

-REGGEE BONOAN