MATAPOS ang impresibong kampanya sa nakalipas na Ronda Pilipinas, plantsado na sa Go For Gold Philippines Continental Team ang pagsabak sa international tournament sa hangaring makasikwat nang puntos para magkwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

ANG Go-for-Gold cycling team

ANG Go-for-Gold cycling team

Handa na ang Team Go For Gold sa five-stage Tour de Iskandar sa Johor, Malaysia sa April. Ang torneo ay sanctioned din Union Cycliste Internationale (UCI) kung saan naghihintay ang karampatang UCI points para sa siklistang Pinoy.

“We have to race in as many UCI races as we can to realize our dream of seeing a Filipino participate in the cycling competitions of the Olympics,” pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Nakalinya rin para sa grupo ang mga karera sa Singapore, Indonesia, Thailand at Sri Lanka, gayundin ang Le Tour de Filipinas at national championships sa Hunyo bago ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

“We have a full exposure this year with 12 international races on schedule, including the Asian Cycling Championships late April,” sambit ni Go For Gold project director Ednalyn Hualda.

Tinanghal na best young rider si Ismael Grospe matapos pagbidahan ang under-23 category ng Ronda na nilahukan ng 15 koponan, kabilang ang walong foreign squads.

Sa pangunguna ni Grospe, kasama sina Jonel Carcueva, Elmer Navarro, Boots Ryan Cayubit at Daniel Ven Carino, nakopo ng Go For Gold ang ikaapat na puwesto sa overall team standings sa limang araw na aksiyon sa Ronda.

Higit sana ang naging performance ng koponan kung hindi inabutan ng karamdaman si team captain Ronnel Hualda sa opening stage sa Iloilo City, gayundin ang ilang aksidente at flat tires sa serye.

“These things really happen in a race. The team might have lost its leader, but we still managed to finish fourth overall,” pahayag ni Hualda.

Pangatlo rin ang Go For Gold sa overall ng Filipino teams sa likod ng 7Eleven Road Bike Philippines at Navy Standard Insurance