KINUMPIRMA ng kinatawan ni Lady Gaga, 32, nitong Martes ang media reports na tinapos na ng Shallow singer at ni Christian Carino, na talent agent din niya, ang kanilang engagement, ngunit walang detalyeng ibinahagi tungkol dito.

Christian at Lady Gaga

“It just didn’t work out. Relationships sometimes end,” lahad ng source sa People magazine. “There’s no long dramatic story.”

Kumalat ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa bago idaos ang Oscar ceremony nitong Linggo. Si Gaga ay best actress nominee para sa pagganap niya sa musical romance na A Star is Born.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aawitin ni Gaga ang Shallow mula sa A Star is Born sa Oscars telecast, na nahihinuhang front runner sa pagsungkit ng Academy Award for best original song.

Inanunsiyo ni Gaga noong October na engage na sila ni Christian. Nagsimula ang kanilang relasyon noong February 2017, ilang buwan matapos niyang tapusin ang five-year relationship nila ng Chicago Fire actor na si Taylor Kinney.

Magkasamang dumalo sina Gaga at Christian sa Golden Globe at Screen Actors Guild awards sa Los Angeles noong January, ngunit napansin ng fans na hindi suot ni Gaga ang malaki niyang engagement ring nang magtanghal sa Grammy Awards noong Feb. 10.

Reuters