PALAYAN CITY, Nueva Ecija- Nalambat ng mga awtoridad ang isang lalaking senior citizen na matagal ng pinaghahanap ng batas sa kasong panggagahasa, sa Barangay Santolan, Palayan City, Nueva Ecija, nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ng Palayan City Police ang akusado sa kasong rape na si David Valentino, 62, may-asawa, ng Bgy. Singalat sa nabanggit na lungsod.
Hindi na nakapalag ang suspek nang damputin ng mga tauhan ng Palayan City Police sa pinagtataguan nito sa Bgy. Santol, kamakalawa, dakong 5:00 ng hapon.
Si Valentino ay nagtago nang kasuhan ito ng rape ng isa nitong kalugar limang taon na ang nakararaan.0
Ipinatupad ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Palayan City Judge Evelyn Atienza- Turla ng Regional Trial Court (RTC) Branch 40.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.
-Light A. Nolasco