INIHAYAG ng Filipino-American model na si Kelsey Merritt nitong Linggo na lalabas siya sa Sports Illustrated Swimsuit issue ngayong taon. Kinumpirma ni Kelsey, na nag-debut appearance sa 2018 Victoria’s Secret Fashion Show, ang balita sa isang Instagram post.

Kelsey copy

“I’ve been keeping this a secret for a while, and now I’m so excited I get to finally share with you all that I’m the newest Sports Illustrated Swimsuit 2019 Rookie!!!” post niya.

“Ahhh thank you @si_swimsuit @mj_day for the opportunity to shoot for this iconic issue!!! ♥” sabi pa ni Kelsey.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Natampok din si Kelsey sa Vogue sa kanilang “Beauty Secrets” series kasama sina Rihanna, Victoria Beckham, Adriana Lima, Miranda Kerr, Candice Swanepoel, Ashley Graham at Kendall Jenner.

Nagtapos ang Filipina model ng AB Communication degree sa Ateneo de Manila University noong 2017.

Kalaunan ay nagtungo si Kelsey sa New York para pumirma ng kontrata sa kilalang modeling agency na Wilhelmina Models. Mula noon ay labas-pasok na siya sa bansa para sa iba’t ibang fashion shoots at campaigns.

Siya rin ang unang Pinay na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show.

-MARJALEEN RAMOS