Nagbabalik si Gina “Conviction” Iniong sa ONE Championship women’s atomweight division matapos ang kanyang panalo laban kay Jihin “Shadow Cat” Radzuan sa ONE: CLASH OF LEGENDS nitong Sabado, Pebrero 16.
Ang 29 anyos ay ipinakita ang kanyang galing sa Malaysian rising star at makuha ang panalo sa pinakaunang event ng promotion sa Bangkon, Thailand ngayong taon.
Ang pagkakapanalo ni Iniong ay sinasabing ang pinakaunang mixed martial arts Women’s World Champion mula sa Pilipinas
“That bout taught me to never lose confidence in yourself,” sabi ni Iniong
“It showed exactly what I am capable of as a fighter. I can’t wait for my next challenge.”
Ang mga pagsubok na iyon ay nalalapit na dahil maraming atleta ang nagnanais na makalaban ang bagong ONE Women’s Atomweight World Champion na si Angela Lee, kasama ang Indian warrior na si Puja Tomar.
Marami ding pinagdaanang pagsubok si Tomar sa loob ng cage pero nanalo siya sa kanyang huling laban nang malamangan niya si Priscilla Hertati Lumban Gaol noong Enero.
Kung hindi man makaharap ni Iniong si Tomar ay maaari niyang kalabanin ang mga dating niyang nakatapat tulad lang ng suhestiyon ni ONE Lightweight World Champion Eduard Folayang
Maaaring makalaban ulit ni Iniong sina Mei “V.V” Yamaguchi at Istela Nunes kung saan natalo siya ng mga ito dati.
“She may very well have to fight Mei Yamaguchi and Istela Nunes again to prove her worth,” sabi ni Folayang.
Kanino man siya manalo ay maaari nang ituloy ni Iniong ang plano na harapin si Lee sa World Title.
“I’m just ready,” sabi niya. “I am already looking forward for my next challenge.”
-ONE Championship