WALANG ka t apus an ang pasasalamat ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa lahat ng nanood ng Alone/Together, dahil tumabo ito nang husto sa takilya. Sabi nga, nawala na ang sumpa dahil simula kasi nitong Enero ay walang kumitang local films.

LizQuen

At dahil diyan, ang daming humihingi ng passes kay Ogie, bagay na inalmahan niya. Aniya, hayaan naman daw na makabawi muna ang mga pelikulang Pilipino.

“Isa sa mga senyales na malakas ang isang pelikula ay ‘yung hindi pa naiso-showing ay marami nang nanghihingi ng passes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Since isang blockbuster hit ang Alone/Together, ‘yun na nga, andami lalo nanghihingi ng passes. Juice ko, ngayong 2019, ilang Tagalog movies na ang ipinapalabas, pero eto pa lang ang kumikitang Tagalog movie!

“’Di ba mas magandang tulungan na lang nila ang industriya na mabuhay uli sa pamamagitan ng pagbili ng ticket sa sinehan para manood? May mga pamilya rin po ang mga nagtatrabaho sa likod ng kamera.

“Al am naman na t ing mahirap ang buhay ngayon, p e r o ma s ma r ami n g mahihirapang mabuhay sa movie industry kung hindi tayo tutulong para hikayatin ang mga taong manood ng sine.

“Tulungan n’yo ang industriyang naghihingalo, na baka dumating ang oras, wala nang ma g - p r o d u c e o kung sino na lang ang may kapasidad na mag-produce. At ‘yung maliliit na produksiyon ay magsipaglaho na, dahil hindi na nila kayang lumaban sa mga higante.

“Kahit naman ang malalaking production outfit, meron din silang mahihinang pelikula kahit big stars pa ‘yung mga bida, eh. Hindi araw-araw sa kanila, Pasko.

“Hayaan n’yo nang i-enjoy ng mga senior citizens ang libreng sine (depende sa kanilang nasasakupang lugar) o makakuha ng 32% discount at discounts o libre din para sa mga PWDs.

“’Pag lahat na lang, gusto libre, eh saan na patungo ang movie industry niyan? Sa kangkungan? Eh, pati nga kangkungan, hindi mo na rin makita.

“In other words: WALA AKONG IBIBIGAY NA PASSES. Kung gusto n’yo, ‘yung pasas ko sa dibdib,” mahabang post ni Ogie.

-Reggee Bonoan