Arestado ang apat na miyembro ng pamilya na umano’y nagpapatakbo ng "family business" na pagbebenta ng ilegal na droga, pagsalakay sa San Juan City, nitong Huwebes ng gabi.

FAMILY

Kinilala ni Senior Supt. Dindo Reyes, San Juan City Police chief, ang mga suspek na sina Juan Jocarl Salvador Chua, 27; kapatid niyang si Robert Joseph Chua, alyas RJ, 24; at pinsan nilang si Jason Chua; 28; at tiyuhin na si Roberto Chua, 55.

Sa imbestigasyon, naghain ng search warrant ang mga miyembro ng Station

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Drug Enforcement Unit laban kina Jocarl, RJ at Jason sa loob ng kanilang bahay sa No. 48 San Marcos Street sa Barangay San Perfecto, na nagsisilbi umanong drug den, dakong 8:30 ng gabi.

Inisyu ni Hon. Judge Danilo Cruz, ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152, ang warrant laban sa mga target.

Ayon sa awtoridad, nasamsam ng raiding team ang 32 pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P16,500, at ilang drug paraphernalia.

Sinabi ni Reyes na ang tatay ni Juan at si Jobert ay sinimula ang "family-business" noong 2013, ngunit nang mamatay ang kanilang ama, ang magkakapatid ang nagpatakbo ng negosyo.

Nakakulong ang mga suspek at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Jhon Aldrin Casinas