“SAAN ka napuwing? Anak, sa susunod na mapuwing ka, ‘wag mo kusutin kaagad ang mata mo, pupula, lalala. Hayaan mo rin na tumulo ang luha.”
Ito ang linya ni Sylvia Sanchez kay Liza Soberano na isa sa mga tumatak sa mga nakapanood ng Alone/Together, na palabas ngayon sa 230 theaters nationwide, mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone, produced ng Black Sheep Productions at Project 8 corner San Joaquin Projects, at release naman ng ABS-CBN Films distributed ng Star Cinema.
Hindi namin mabilang kung ilang eksena ang nakakaiyak at halos lahat ng katabi namin ay pasimpleng nagpupunas ng kani-kanilang mata sabay singhot.
Yes, Ateng Jet, ang daming nakakaiyak na eksena. Imaginin mo na nangangatog ka sa ginaw sa Central Park sa New York City, USA pero hindi doon ang konsentrasyon nina Liza at Enrique Gil kundi kung paano nila madadala ang manonood hanggang sa mararamdaman mong tumutulo na pala ang luha mo.
Kung tama ang bilang namin ay pang-apat na pelikula na ng LizQuen itong Alone/Together at ito rin ang best nila para sa amin, dahil matured ang karakter nila kumpara sa Just the Way You Are (2015), Everyday I Love You (2015), at My Ex and Whys (2017).
Umabot naman sa pito ang kissing scene ng LizQuen, kaya siguro umamin na rin silang may relasyon sila, dahil halatang-halata naman na may kilig sa dalawa sa tuwing magdadampi ang kanilang mga labi. Lalo na sa unang eksenang hinalikan ni Enrique si Liza habang nasa event sila sa UP campus.
Art student si Liza sa UP at mataas ang ambisyon ng dalaga dahil matalino siya at nagtapos bilang Magna Cum Laude, at gustong mapasok ang mga tanyag na art museum sa New York, tulad ng Metropolitan Museum of Art, Museum of Modern Art (MoMa) at The MET Breuer.
Biology naman ang kurso ni Enrique sa UST, pero hindi seryoso sa pag-aaral hanggang sa nakilala niya si Liza, at na-challenge siya kaya pinagbuti niya ang pag-aaral para magng proud sa kanya ang dalaga.
Usapan nila na pagkatapos nilang mag-aral ay magpapakasal na sila, pero may mga nangyaring hindi inaasahan sa parte ni Liza, kaya nagkahiwalay ang dalawa. Muli silang nagkita sa isang event na pareho na silang may ibang karelasyon. Nanumbalik ang pag-ibig nila sa isa’t isa pagkalipas ng limang taon.
Ang huhusay ng support ng LizQuen sa Alone/Together, sa pangunguna nina Nonie Buencamino, Adrian Alandy, at Sylvia, dahil kahit ilang eksena lang sila ay mararamdaman mo sila sa buong pelikula, hindi ‘yung dumaan lang.
Maraming hindi nakakilala kay Jasmin Curtis Smith bilang doktorang ex-girlfriend ni Enrique dahil nanuyot at nasobrahan daw sa payat. O baka naman talagang on diet lang ang aktres.
Anyway, tawang-tawa naman kami sa pahayag ni Sylvia.
“Sa tagal ko na sa showbiz, ngayon lang ako na-distract sa mga kaeksena ko. Kasi ang guwapo at ang ganda nina Enrique at Liza. Tawag ko nga sa kanila Pinocchio at Pinocchia, hindi dahil sinungaling sila, kundi dahil ang tatangos ng mga ilong nila pala sa malapitan,” sabi ni Sylvia.
Samantala, ipinost ni Ogie Diaz (manager ni Liza) sa Facebook page niya ang schedule ng 22 block screenings na inorganisa ng supporters ng LizQuen.
Showing ang Alone/Together ng 12:00 NN sa Dolphy Theater, Quenlandia (opening); 11:00 am sa Fisher Mall Cinema 3, LQ Lateboomers (closing);
1:00 pm, Fisher Mall Cinema 1, Team H and E (opening); 1:30 pm, Fisher Mall VIP 2, LQ Lateboomers (opening); 2:00 pm, Fisher Mall VIP 1, LQ BLoomingdales (opening); 1:30 pm, Vertis North Cinema 3, Tatak LQ USA & LQ Toronto (closing); 3:30 pm, Vertis North Cinema 3, Legion of LQ (opening); 4:00 pm, Fisher Mall Cinema 5, SLP, Quenlandia & LQ Nurses (opening)
May block screening din ng 4:00 pm sa Fisher Mall Cinema 1, Tatak LizQuen (opening); 4:30 pm, Fisher Mall VIP 2, Lizaviors (opening); 5:00 pm, Fisher Mall VIP 1, LQHK (opening); 3:30 pm, Dolphy Theater, LQ Pexers & Quenforce (closing); 5 :00 pm, Vertis North, Tatak LQ (closing);
7:00 pm, Vertis North, Legion of LizQuen (opening); 6:00 pm, Fisher Mall Cinema 1 & 2, Tatak LizQuen (middle); 7:00 pm, Fisher Mall, Quenlandia, LQHK & LQ Ladies (opening); 7:30 pm, Fisher Mall VIP 2, LQ Boosters (opening); 8:00 pm, Trinoma Cinema 7, LQ Pexers, LQ TFC, LQ Global & Enriquelicious (opening); 8:30 pm, Trinoma Cinema 1, Team H and E (opening); 9:00 pm, Vertis North Cinema 3, LQ IS (opening); 9:00 pm, Fisher Mall Cinema 1, LQ Finity (middle); at 7:30 pm, Dolphy Theater (closing).
Ang Alone/Together ay Graded A ng Cinema Evaluation Board.
-REGGEE BONOAN