Naghahanda na si Danny “The King” Kingad para sa ONE Flyweight World Grand Prix pero hindi ibig sabihin nito ay ipagpapaliban na niya ang Valentine’s Day.

Marami siyang dahilan upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso dahil ito ang unang beses na ipagdidiwang niya ito bilang isang ama.

Noong nakaraang taon ay ay isinilang ng kanyang partner ang unang anak nila na si Adriel at gusto ni Kingad na makasama ang anak sa iba’t ibang okasyon.

“Things have been totally different since he came [into] my life. I feel very blessed to have him,” sabi ni Kingad

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“This Valentine’s Day will definitely is the best Valentine’s of my life since I will celebrate it with Adriel.”

Para sa “The King,” isang simpleng mensahe lang mula sa kanya mga kaibigan at pamilya ay mahalaga na para sa kanya.

“I’m always excited every time Valentine’s Day comes near because, on that day, I can celebrate, show, and tell my family how much I love them, even in the simplest way,” paliwanag niya.

“A simple message means a lot. Making people feel that they’re special, for me, is the real essence of this special day.”

Kulang man sa oras si Kingad dahil sa paghahanda niya sa nalalapit na laban nila ng longtime pound-for-pound king Demetrious Johnson ay nangako pa ring siya na maglalaan ng oras para makasama ang pamilya ngayong Valentine’s Day.

“Since my victory in Manila, we’ve been training non-stop for my next match,” sabi niya.

"But despite that, I still make sure that I have time to for my family and loved ones. February 14 is another chance to show how important they are to me.”